Kamakailan lang, tinawag ni Senador Trillanes ang karamihan sa senado ay puppet sila ni Pangulong Duterte. Ngunit nilinaw ni Senator JV Ejercito na hindi sila puppet sa senado. Ayon kay Ejercito, hindi lahat ng pagkakataon ay sumusunod kung ano man ang sinasabi ni pangulo at kung sa tingin nila ay hindi tama, pinupuna nila si Duterte. Isang pagpapatunay na hindi puppet si Ejercito ay noong kinontra nya ang pagbigay ni Duterte ng pabahay sa Kadamay. Sa tingin ni Ejercito ay hindi tama na bigyan na lng ng basta-basta ng bahay dahil may mga ibang oridaryong Pilipino na nagpupursige magtrabaho para magkaroon ng bahay samantala ang Kadamay ay nabigyan lang ng libre.
Post Top Ad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment